akala ko minsan pag-ibig na yung pinakamabigat na problema..
kasi parang dun na umiikot ang mundo ko...
yung bang napakalaking kawalan kung wala kang mahala at kung yung mahal mo eh hindi ka mahal..o kung mag-break na kau ng mahal mo...
pero ibang klase..
na-realize ko na kung nagmamahal ka tlga...hindi lang isang buwan..or 2 months or weeeks lang
para makalimutan mo yung sinasabi mong mahal...
kasi kung totoong mahal mo ang isang tao...
iba ang mararamdaman mo..hindi mo pipiliting
kalimutan kahit na hindi ka niya mahal...
ika nga nila...
"pag nagmahal kaba...
kailangAn may kapalit na pagmamahal rin?"
at sa mga bagay sa mundong to...
inamin ko na yung unang tao na minahal ko
ay nakalimutan ko pagkatapos ng halos 2 o 3 taon...
grabe ba???
oo..kasi hindi na ko humingi ng anumang kapalit..
masaya na kong sa kung anu ang nararamdaman ko..
pero totoong hiniling ko rin na mahalin niya ko..
haizt....
at sa mga bagay na yan akala ko yun na ang problemang di kayang solusyunan..hindi pala...
may mga bagay na hindi madaling ma-lutas..
at yun yung mga sugat ng nakaraan...
na para bang hindi na mahihiLom pa?