What does FAVORITISM mean?
Nagresearch ako tungkol sa kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang... "favoritism"????
Prefential Treatment, Preference, Partiality, Nepotism, Bias, Discrimination, Prejudice
Hindi ko gusto ang salitang yan, dahil lahat ng tao sa mundong ibabaw pantay!
Namimintig ang tenga ko pag naririnig ko ang favoritism..
Naalala ko kung pano ako naapektuhan ng salitang favoritism.. at dahil dun malaking
pagbabago ang nangyari sakin.
Ang favoritism ay nauuso sa mga opisina, eskwelahan at iba-ibang klase ng organisasyon.
Mayroon silang pinapaboran(bias).. at sino ang pinapaburan nila?! eh di ang kanilang favorite..
Magagalit ka sa isang nakatataas na may favoritism.. eh sa taong favorite nila?
nakakaramdam ka ba ng galit?
Depende rin yun.. minsan kasi mayroon silang favorite na dahil sa talaga namang masipag sila at may utak... pero minsan nagiging favorite din nila dahil sila'y isang dakilang SIPSIP...
yun ang mas nakakagalit..
pero why not give chances to everyone?!
Sana naman kasi huwag lang sa iisa ,dadalawa o lilimang tao sila nakatingin o nakatutok...
Hindi sila ng sila lagi ang may alam, ang may ideya, ang may nais isagot at sabihin...
Lahat kami may karapatang maging isang... DARNA! ay hindi... may karapatan ring
kaming masabihang... "buti ka pa.." at "ang galing mo!"
Why don't you try to open your eyes wide... then you'll see it clearly...
....marami rin kaming karapat-dapat....