Dati lang naalala ko, pag nagko-comment kami sa isa't-isa(kaming magto-tropa) laging may nakasabit na "TNT 4ever". Pero nasan na yun? Nasan na yung pagsasama namin tuwing recess? Yung pag-aasaran namin tuwing walang teacher sa room? Yung pagbabalak namin kung saan gagala at kelan? Yung paggala namin sa plaza na may halong kulitan, tawanan at kodakan? Nasan na yung pagiging sandigan namin sa isa't-isa lalo na pag ang isa sa amin problemado? AT higit sa LAHAT. Nasan na yung mga TAONG NASA LIKOD NG T.N.T?????
Nagsimula nung THIRD YEAR HIGH SCHOOL ang samahan namin. Nagsimula sa paggala sa bayan. Sa sama-samang pagkain sa canteen na may mga cellphone na hawak. Nagsimula kami ng walang pangalan pero may pakikisama. Ang paborito naming gawin? Yung TNT MOMENTS na gustong-gusto naming i-capture through cameras. Pati sa CAT kami ung magkakasama. Hanggang sa na-isip namin na maging OFFICIAL TROPA kami. Nag-isip kami ng pangngalan. At duon nabuo ang TNT na binigyang kahulugan ng aming minamahal na Presidente na The Naughty Times. Pumayag ako kahit na baduy na baduy ako sa pangngalan. Hanggang sa naisip namin yung Tropang Never Tumahimik. Pero, hindi rin nasunod. Basta ang alam namin TNT kami. Naging masaya kami sa piling ng bawat isa. Naging suportado namin ang nararamdaman ng bawat isa. Pero pinapagalitan din namin ang isa't isa kung nagpapakatanga na ang ilan sa pag-ibig. Ayaw naming may nasasaktan. Ganon kami ganon ang TNT. Nagkaroon ng gala sa MOA, sa AGUINALDO SHRINE, sa SM, sa ETERNITY, sa bahay ng isa samin, sa palengke ng IMUS, sa LOTUS, sa I.I., at higit sa lahat sa plaza. Madami ng nagkatampuhan samin. Pero naayos din. Kasi yun ang pangako ko. Kung may problema. Mas maiging ayusin agad. Kasi pinapahalagahan ko tong tropa namin. Kahit summer vacation kami. Nagkikita-kita parin kahit na aaminin kong may kulang na miyembro. Yun kami noon. Ganito kami ngayon.
Excited akong mag-4th year nun. Halos gusto kong bumilis ang araw. Pero nang tumuntong na kami sa 4th year, NAGBAGO ang LAHAT. Nawala yung pagsasama namin sa canteen, yung kulitan namin tuwing walang teacher, yung galaan sa plaza after class, at nagkakaroon ng hidwaan ang mga miyembro. Parang nakalimutan nila yung tropang nabuo nung third year namin na nagngangalang TNT.
Kung merong mang mga TNT jan, o TNT noon na nagbabasa. I'm not pertaining only to 2 persons or even 3. Lahat kayo nagbago. Merong masyadong busy sa pananalamin, merong busy sa pag-aaral, merong busy sa pagkain, merong busy sa pagsusulat, merong busy sa pagdaldal, merong busy sa pagyayabang, merong busy sa kaartehan, merong busy sa pagtahimik sa isang tabi, merong busy sa pagbabasa, merong busy sa pag-ibig at higit sa lahat, merong busy ang mga puso't isip na hindi namamalayang may naghihintay sa likod nila na nagsasabing
"SANA MAY TNT PA...."

Ayokong mawala na lang ito ng parang bula.
Kung kelangan niyo ng oras. Sige.
Pero sana madaliin kasi baka bukas makalawa,
hindi na tayo magkakakilala.
Kung ngayon pa nga lang,
nakakalimot na kayo.
Pano pa kaya pag mga college na tayo?
Nakakalungkot.
;(
