Wednesday, October 01, 2008.
" Wednesday, October 1, 2008
Dito sa mundong ibabaw na gigalawan ko, marami na kong nakita. Mga di kanais-nais, mga di nakakasawang pagmasdan, magagandang tanawin, maruming paligid, masasamang tao, mapagsamantalang tao at mga bagay na HINDI agarang nalilimutan. Lahat ng mga nabanggit ko nakita ng DALAWA kong mga mata(wag na kumontra..alam kong apat ang mata ko..hehe).
Sa lahat ng mga bagay nauunang lagi ang mata, sa pagkilatis at paghuhusga ng anyo na tao. Kaya ngayun naisip ko, pano kaya kung bulag na tayong lahat at tanging PUSO lamang ang nakakaramdam... siguro walang taong nalulungkot ngayon...
Think about it... Hindi sa lahat ng oras MATA lang ang papaganahin... pati PUSO....if you think na may PUSO ka...?