Alas singko na ng umaga nung magising ako nung October 26, 2009. Ewan ko huh, honestly saying *nosebleed*, hindi ako excited. Kasi kung excited ako mga alas-tres pa lang dapat gising na ako! Haha! Well, truelalu talaga yun. Ayos na yung gamit ko, kaya pagdating nang alas-sais (call time namin talaga is 6:00 am) lumarga na ako papuntang school. Nakasabay ko pa yung ibang kaklse ko na mukang... well mag-iibang bansa. Pagdating namin dun, kalat-kalat lahat ng 4th year sa labas ng gate kasi hinihintay pa daw yung bus. Kaya pumunta akop dun sa bahay ng kaklse ko na nagngangalang Hannah *'oha! special mention tsong!*, para kunin ang aking kariman sa binili niya sa Mini Stop, hindi na kasi ako nag-agahan eh. AT alam niyo ba? (hindi), na yung kariman na yun ay...ay... hindi ko pa nababayaran hanggang ngayon! Ahahaha... ang lupet noh?! Ewan ko, hindi na niya ako siningil eh. Ngayon ko ngal ang ulet naalala eh! ^^,
Maya-maya nakumpleto na ang buong 4th year. Madami kami ah! Ang bilang namin ay tumataginting na... *tentenenen!* Beinte Tres o 23. Ang konti no? Konti talaga kami eh! Dumating na rin yung bus kaya... nag-unahan kaming makasakay! Weet! Haha! At ayun, sa right side kami ng bus at ang katabi ko ay si... *tentenenen!* special mention ulit! Hannah! Hahaha... at ayun, kinain ko na yung kariman ko tsaka ako nag-soundtrip kaya... hindi ko na namalayan yung pinaggagawa nung iba kong classmate! Basta alam ko nag-food trip sila...tapos... hmmm... ano pa ba? Ay oo! Sumayaw si Toto sa pole nung bus! haha... after that.. *fastforward na kasi may earphone na nakasaksak sa tenga ko* dumating na kami sa Tagaytay! At...at... dumating na kami sa Tagaste Retreat House!
(note: uwian na yang picture na yan! hahaha!)
Ayun! Picture agad... ako yung..hmmm... paano ko ba ididiscribe? Dami kasi namin eh! Ako nung nasa right side yung naka-peace sign ang dalawang kamy at may pink na panyo! Ako yun! Artista nuh? Haha... Wareber! That morning may nagustuhan akong pic na ang cute naman talaga! Pinaka-favorite pic ko toh! ^^,dark room... este... room. Room na may chairs! Malamang! Ahahaha... Dun nagkaroon ng orientation at pinaliwanag yung rules... oras ng *ehem* pagkain..pagtulog... yung mga ganun. Yung Retreat Master namin wala pa daw, akala daw kasi kinabukasan pa kami. Ayun, after nung orientation nagkaroon ng gala mode. Pero, sabi ni Ma'am Olive(Guidance Councilor namin), ipagpatuloy daw namin yung Journal namin. Parang diary namin for 2 days. Kaya... gala mode na! Paglabas namin... siyempre yung field ang sumalubong samin! Pero, dahil hindi naman kami pinagbawalan na hanggang sa likod eh magkagala kami... ayun! Lahat ng susuotan sinuotan na namin! Hahaha... sa left side ksi nung house meron pang daanan. Eh, siyempre kami mga scientist at mahilig magdiscover pumunta kami dun. May mga kubo... may mga... wooden chairs... meron pa nga dun may mga nakasabit-sabit pa na parang...tali kahit hindi naman. Cute nga eh! Hanggang sa narating namin ang...Mt. Carmel Garden... pero dahil ulit sa kami ay dakilang scientist. Hindi muna kami pumasok diyan at sinabi naming..."Balikan na lang natin". DAhil may nakikita parin kaming daanan bukod dito sa Mt. Carmel. Mayroon pang pababa na daanan na pinuntahan naman namin. May nakita kaming Imahe at pagkalagpas nun ay may... gate na naman at... bahay yata yun. Umikot kami para bumalik, pero sa right side... may isa pang malaking building na... tingin ko eh bahay ng mga madre. Dahil ulit sa kami ay scientist... lumakad ako este kami papunta dun... *kasama ko si Hannah at Maica*... kaya lang...kaya lang... hindi na daw pumasok dun ang mga nagre-retreat. Pagikot ko ulit ay may nakita ako este kaming... *tentenenen!* "RESTRICTED AREA". Oh! Restricted Area daw! Alam mo meaning nun kaya wag kanang makulit at tanggalin mo na yang scientist effect mo! Ako naman...eh masunurin kaya... bumalik na ako sa...*tentenenen!* Mt. Carmel Garden! Ang daming magagandang pwesto dun! Hindi ko nga mapili kung saan ako magiistay eh! Haha... pero, dahil ako'y isang tao na seryoso sa pagsusulat... *oha! hindi na scientist!* pinili kong mapag-isa dito sa lugar na ito.
Hindi ako EMO ah?! Nyahahah... at itong picture na ito ay! Stolen! nyehehe... kinuhanan ako ng adviser namin si Ms. Jen. Nyahahah... dahil ako'y masyado ng masaya mahaba na ang aking nata-type! Dahil jan... may continuation pa! Bukas... haha!
