Nung pauwi na galing praktis napag-tripan namin ng classmate ko na dumaan na naman sa SM. Wahahaha... walang magawa eh. Naglakad lang kami kahit malayo, trip namin eh. Sabi niya bilisan daw namin maglakad kasi may pupuntahan pa siya ng mga 6:30. Ang bilis niya maglakad eh masakit paa ko. Sabi ko "Bagalan lang natin ang lakad.. tignan mo babagal din ang oras." NAglakas kami ng normal at super kwentuhan na naman na hindi mawawalan ng banatan ng pick-up lines. Anu pa nga ba? Haha.... maya-maya hindi namin namalayan na malapit na kami sa SM, bigla siyang tumingin sa relo niya sabay dayalog ng "Onga no, bumagal oras. May magic ka siguro." Natawa lang ako tapos binanatan na naman ako ng parang minagic ko daw yung puso niya. Echos. Haha! Pagdating namin sa SM bumili kami ng ice cream kahit super busog na ako. Waaah! Bumili kami ng tag-isa tapos umupo kami sa may foor court kung saan may nagaganap na. Uhm. Mini concert. Dun mismo sa food court, hindi sa activity area. Ang tugtog? "The Past". Nakanta pa nga yung kaklase ko na ubod ng ingay, hehe! i mean... masakit sa tenga. Pero joke ko lang yun siyempre. :)) Maya-maya biglang tinugtog yung "Forevermore" at ". Ang kyut. HAha! Napagtripan pa namin kumuha ng bato dun sa may parang lalagyanan ng fake na halaman sa SM. Kumuha kami ng tig-apat at sinulatan namin ng pangalan. Sakto kasi 4 letters ang pangalan namin parehas. Pinityuran ko pa nga eh ng magkatabi yung pangalan namin. Tapos nagpicture din kaming dalawa. Maya-maya napag-usapan namin umuwi na. Tumayo na kami pero napagtripan pa naming mag-picture sa malaking letters na "L-O-V-E" sa may activity area. Hehe... ang tugtog nun "Ako'y sayo at Ika'y Akin". Tapos umuwi na kami. Sumakay kami sa baby bus at siyempre hindi kami naubusan ng banat. Hindi nga rin siya nakapunta sa dapat niyang puntahan eh, na-trapik kasi kami. Kaya sorry ako ng sorry. Tapos ayun bago kami maghiwalay nag-ba-bye ako at tumawid na. Medyo malayo na siya ng sinitsitan ko ulit siya. Lumingon siya tsaka ako sumigaw ng "Ingat!" :))
