Siguro nga may mga bagay na sayang mahirap tapusin.. mahirap kalimutan.. basta mahirap.
Wala na.. sabi na isip ko. Nakalimutan ko na siya.. naka-move on na ako. Kasi hindi ko na siya iniisip.. hindi ko na siya naalala LAGI. hindi na ako nakakaramdam ng excitement. Basta..wala na talaga.. Na-realize ko yun THIRD YEAR HIGH SCHOOL NA AKO. Nakilala ko siya noong FIRST YEAR pa lang ako.. dun na rin nagsimula ang lahat. Siguro kung iisipin ko yung mga pangyayari nung 1st year wala akong dapat pagtawanan.. kasi wala akong nakikitang katawa-tawa na ginawa noon eh.. Wala naman kasi akong ginawa. Lahat sinekreto ko.. lahat sakin lang. Hindi ko rin naman talaga alam kung ano yang pag-ibig na yan eh.. basta nalaman ko ganun na lang. Nababaduyan ako tuwing tina-type ko yang pag-ibig na yan. Tae. Haha!
Nag-second year ako.. dun na siguro ako nagsimulang mag-move on. Pero ako ayaw na ayaw ko siyang kalimutan.. ayoko eh. Basta ayoko.. Basta masaya na ako sa ginagawa ko. Prang tanga nuh? T^T
Nung third na nagsimula... ayun, narealize ko na wala na. PAgdating ng 4th yr talagang nasigurado ko na wala na. WALA NA TALAGA.
After how many days, weeks, months and years..
Ni-like ko yung status ni Suzette. Nag-log out ako dahil may kelangan akong gawin.. Maya-mayanag-log in na rin ako. May 3 notifications ako.. yung unang-una sa listahan yung kinabigla ko. Kinabigla ng isip ko.. ng damdamin ko.
Nakita ko lang ang pangalan niya.. ganun na ang reaction ko. Pano pa kaya pag nakita ko ulit?
May facebook na siya. Nagmamatigas ako.. HINDI KO SIYA IA-ADD. Bahala siya kung gusto niya ako i-add. Pero maya maya nakita ko na lang ang sarili ko na nagba-browse sa profile niya at sa pics niya. Wala, pinahirapan ko lang sarili ko. Adik no?
Ewan ko nga.. naka-move on na ba talaga?
Tae kasing curiousity yan..anung napala ko ngayon?!